Saturday , November 16 2024

Facebook, ipinaasunto sa pro-gov’t groups (Palasyo ‘bitter’)

‘BITTER’ ang Palasyo sa Facebook kaya hinimok ang pro-government groups na sampahan ng kaso ang social media platform sa pagtanggal sa kanila.

Naniniwala ang Malacañang na censorship ang naging epekto ng pag-alis ng Facebook sa accounts ng administration supporters at taliwas ito sa freedom of speech.

“Because we believe in freedom of speech. They may use as justification inauthentic behavior but the effect is censorship kasi iyong ideya na laman ng page na iyon nabura,” paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pag-alma ng Malacañang sa Facebook.

“I encourage iyong mga grupo na pro-government pumunta po kayo sa hukuman at tingnan po natin kung ano ang magiging ruling ng ating hukuman,” ani Roque.

Kamakalawa ng gabi, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisintir laban sa Facebook sa kanyang public address.

“Facebook, listen to me. We allow you to operate here hoping that you could help us also. Now, if government cannot espouse or advocate something which is for the good of the people, then what is your purpose here in my country?” sabi ng Pangulo.

“But ito na lang, tell me kung bakit hindi ko magamit para sa kapakanan ng taong-bayan? If government cannot use it for the good of the people, then we have to talk. We have to talk sense. If we are promoting the cause of the rebellion which is already — which or rather which was already here before you came, and so many thousands of my soldiers and civilians dying, then if you cannot reconcile the idea of what your purpose is or was, then we have to talk. I don’t know what I will do, but we have to talk,” dagdag ng Pangulo.

“Hindi na puwede na… You cannot lay down a policy for my government. I allow you to operate here. You cannot bar or prevent me from espousing the objectives of government.’

Matatandaang may 57 Facebook accounts, 31 Facebook pages, at 20 Instagram accounts na galing umano sa isang network sa bansa ang inalis sa social media platform, ayon kay Facebook Head of Security Policy Nathaniel Gleicher, dahil sa umano’y
“coordinated inauthentic behaviour” o manipulation campaign.

Nabisto umano na konektado ang Facebook group sa Philippine National Police at sa Armed Forces of the Philippines, maging sa mga indibiduwal na may koneksiyon din sa pulis at militar. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *