Monday , November 18 2024

Dalagita nagtala ng pinakamabilis na slalom record

“MUKHANG madali pero hindi.”

Bulalas ng bagong title holder para sa fastest vehicle slalom, ang 16-anyos dalagitang si Chloe Chambers, makaraang kilalanin ng Guinness World Record ang teenager sa pagbasag ng dating record na naitala sa China noong 2018.

Beteranong kart driver kahit bata pa sa kanyang pitong-taong karanasan, naitala ni Chambers ang bagong benchmark sa pagsalakay sa 51 balakid sa lap time na 47.45 segundo.

Nagawa niya ito, sakay ng kanyang 2020 Porsche 718 Spyder, na sadyang inihanda para sa nasabing event.

“It not simple as it looks—weaving between 50 cones as fast as possible, trying to beat a record time and knowing I couldn’t touch a single one for the run to count—I definitely felt the pressure,” ipinahayag ng dalagita nang may ngiti sa kanyang bibig.

“Everything came together on my final run; the car worked beautifully and I found the grip I needed. Thank you to my family and to Porsche for supporting and believing in me,” dagdag niya.

Sa kabila ng kanyang karting background, nakapag-adapt si Chambers sa pagmamaneho ng isang kotse para magkaroon ng sapat na kompiyansa at mahanap ang wastong balanse, gamit ang manual para imaniobra ang 718 Spyder imbes imaneho ito nang automatic para sa mas direktang control ng sasakyan.

“We couldn’t be more proud that Chloe set the record,” wika ni Porsche Cars North America president at chief-executive-officer Klaus Zellmer.

“From the whole Porsche family we send our heartfelt congratulations—we’re pleased to have been able to support Chloe with her ambitious record attempt and share her relief that it was successful,” ani Zellmer.

Nakompleto ang record-breaking run ni Chambers nitong buwan ng Agosto sa independently-certified track na binubuo ng 51 balakid na magkakahiwalay sa pagitan ng 50-talampakan. Si Automotive technology manufacturer Racelogic ang nangasiwa sa timekeeping, na sinamahan ng adjudicator mula sa Guinness World Records.

Sa ginamit na 2020 Porsche 718 Spyder ni Chambers ay mayroong 4.0-liter 6-cylinder boxer engine na may torque na 414hp at 420Nm sa 6-speed manual transmission.  (Kinalap ni TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *