Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heaven Peralejo, binasag ang katahimikan — I didn’t ask anyone for money

SA pamamagitan ng kanyang Instagtam story noong Lunes, September 14, binasag na ni Heaven Peralejo ang kanyang pananahimik hinggil sa isyung humingi umano siya ng tulong pinansiyal mula kay Senator Manny Pacquiao, ama ng kanyang ex-boyfriend na si Jimuel Pacquiao.

 

Pero ang asawa raw nitong si Jinky ang nagbigay sa kanya ng ayuda. Pinadalhan daw siya nito ng P100k.

 

Dahil sa lumabas na balita, naiba umano ang pagtingin sa kanya ng mga tao at nasaktan siya.

 

Kaya naman sa kanyang IG story sinabi niya na, “The past few weeks have redefined the public’s impression of me. It was hurtful and I needed some time to think it through. I’ll get straight to the point, I didn’t ask anyone for money. I am beyond grateful that I am blessed with opportunities to earn an honest living. Whatever I have now is a product of my hard work and not extracted from anyone’s pocket.”

 

Pinasalamatan din ng aktres si Jimuel pati na rin ang Mommy Jinky nito dahil sa suportang ibinigay ng mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay-linaw sa lumabas na isyu. Na ayon sa mag-ina ay walang katotohanan na nanghingi ng tulong pinansiyal si Heaven sa Pambansang Kamao.

 

At hindi naman pinadalhan ni Jinky ng P100K ang dating girlfriend ng panganay na anak.

 

Hindi rin kinaligtaang pasalamatan ni Heaven ang kanyang mga kapamilya, kaibigan, at tagasuporta.

 

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …