Saturday , November 16 2024

Minimum wage sa pribadong nurses, ipagkaloob – Rep. Pulong Duterte

SA KASALUKUYANG pandemya na kinahaharap ng bansa maging sa buong mundo dahil sa coronavirus o CoVid-19, ang nurses ng bansa maging sa pribadong sektor ay isa sa mga pangunahing depensa ng bansa sa paglaban dito.

Kaya bilang suporta sa nurses na kabilang sa frontliners na kasalukuyang nasa unahan ng peligro at walang pagod na nakikipaglaban, naghain si Deputy Speaker at Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ng House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020.”

“Napakalaki ng kontribusyon ng ating mga nurses sa mga pribadong hospital sa laban na ito sa pandemyang ating kinahaharap. Nararapat lang silang mabigyan ng tamang pagpapahalaga, unang-una na ang tamang sahod at benepisyo,” pahayag ni Rep. Duterte.

Matatandaan kamakailan na itinaas ng pamahalaan ang sahod ng mga nurses sa public sector na ang sahod ng nasa pampublikong ospital ay umaabot mula P19,845 hangang P30,531 kada buwan.

Sa kabila nito, malayo pa rin sa maaaring makuha ng isang nurse kung magtatabraho sa ibang bansa.

“Sa pamamagitan ng panukalang ito, mas mapoprotektahan natin ang ating nurses and matutulungan sa kanilang pinansiyal na pangangailangan. At maikokonsidera nilang manatili na lang sa bansa imbes makipagsapalaran sa ibang bansa at iwanan ang pamilya,” makabuluhang dagdag ng mambabatas.

Sa ilalim ng batas na isinusulong ni Deputy Speaker Duterte, anak ni Presidente Rodrigo Roa Duterte, mangangasiwa ang National Wages Productivity Commission (NWPC) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagtataas ng minimum na sahod ng nurses sa pribadong hospital.

Ito ay makikipag-ugnayan sa Department of Health (DoH), Philippine Nursing Association at Private Hospitals Association of the Philippines para sa mga kaukulang pagtataas base sa lugar o kapasidad ng isang pribadong hospital.

“Proteksiyon, aruga, pagmamahal. Ito ang mga dapat nating ipagkaloob sa ating frontliners maging sa mga nurses na nasa pribadong hospital,” pagtatapos ni Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *