Wednesday , December 25 2024

‘Dirty energy’ dapat nang ibasura ng ADB

MULING hinamon ng civil society groups ang Asian Development Bank (ADB) na tuldukan ang maruruming proyektong pang-enerhiya sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pamumuhunan o pagpopondo sa ‘coal’ o karbon.

Ang panawagan ay isinagawa ng grupo sa isang webinar na isinapubliko rin ang pag-aaral na pinamagatang “Leaving behind ADB’s Dirty Energy Legacy” ilang araw bago ang Annual Governors Meeting ng  ADB.

Ayon kay Gerry Arances, Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), dahil sa maluwag na 2009 Energy Policy nito, naging salarin ang ADB sa pagpapakalat ng maruming enerhiya sa Asya.

Giit niya, hindi mapagtatakpan ng dami ng mga proyekto para sa renewable energy ang naging papel ng banko sa pagpapalaganap ng kasinungalingang posible ang ‘clean coal’ at ang katotohanang kalahati sa installed capacity ng mga proyektong pang-enerhiya ng ADB nitong huling dekada ay para sa karbon at iba pang petrolyo.

“Thanks to the lenient Energy Policy it adopted in 2009, ADB is guilty of having shaped Asia’s energy sector into its carbon-intensive state today. No amount of renewable energy investments could cover up the bank’s role in advancing the myth of clean coal and the fact that half of the total installed capacity of power generation projects it funded the past decade are from fossil fuels,” saad ni Arances.

Binigyang-diin ni Arances, sa gitna ng lumalalang krisis sa klima at kalidad ng hangin, pagmura ng mga teknolohiyang renewable energy, at mga pangangailangang pangkalikasan at pang-ekonomiya na nangibabaw ngayong panahon ng CoVid-19, panahon na upang  ‘mag-decarbonize’ ang ADB.

“The critical reflections we from civil society offer today mirror what the bank’s Independent Evaluation Department reported: that ADB needs a new energy policy that accurately responds to the region’s needs. In doing so it must live up to its role in global energy transformation, which it can begin by completely leaving coal in its dirty past,” dagdag ng CEED executive.

Magugunitang, bago inilabas ang pag-aaral na ito, ginamit ng CEED at NGO FORUM on ADB, isang grupo ng mahigit 250 organisasyong sibil mula sa iba’t ibang panig ng Asya, ang “Leaving behind ADB’s Dirty Energy Legacy” sa pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng banko upang manawagang tigilan na ang pagpondo sa maruming enerhiya.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *