Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P1.59-B PCOO budget ‘ibinitin’ ng solon dahil kay Badoy (Sa red tagging ng tinawag na unelected factotum)

TILA nabitin sa balag ng alanganin ang budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa susunod na taon dahil sa red-tagging post ng isang opisyal sa social media laban sa mga organisasyong makabayan.

Sa mosyon ni ACT party-list Rep. France Castro sinuspendi ng House committee on appropriations ang pagdinig matapos sitahin si PCOO Undersecretary Lorraine Badoy sa kanyang mga post sa social media na nagsasabing mga komunista ang mga kongresistang kasapi sa Makabayan bloc.

Sinabi ni Badoy sa kanyang post na ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara na sina Bayan Muna party-list representatives Eufemia Cullamat, Ferdinand Gaite, at Carlos Isagani Zarate, Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, at Castro “ay may matataas na ranggong kasapi ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na ang layunin ay pahinain at wasakin ang ating gobyerno upang pabagsakin ang demokrasya at tuluyang itatag ang komunismo.”

Kasalukuyang dinidinig ng House Committee on Appropriations ang P1.59-bilyong budget ng PCOO na pinamumunuan ni dating broadcast journalist Secretary Martin Andanar.

Wala, umanong, basehan ang post ni Badoy laban sa mga militanteng mambabatas.

Ayon kay Zarate, dahil umano sa post ni Badoy ay nadamay din sa mga banta at pananakot ang kanilang mga pamilya at hindi umano sila papayag sa ganitong red tagging sa kanilang hanay mula sa isang ‘unelected factotum.’

Hindi lamang umano ang mga miyembro ng Makabayan bloc na halal ng taong bayan ang inalipusta ni Badoy kundi ang buong Kongreso mismo kaya hindi nila ito puwedeng palampasin.

Ayon kay Andanar walang kinalaman ang kanyang ahensiya sa post ni  Badoy dahil sariling account ang ginamit nito at hindi ang official website ng ahensa.

Gayonman, pinaalalahanan ng mambabatas si Badoy na igalang ang Kamara bilang isang institusyon at ang mga miyembro nito na inihalal ng taong bayan.

Ipinamukha ni Bayan Muna party-list Rep. Zarate kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy sa ginanap na budget hearing para sa inihihirit na P1.59 bilyong pondo ng kagawaran para sa susunod na taon.

Tahasang binatikos ni Zarate ang pagbansag ni Badoy sa mga kongresista bilang mga terorista at matataas na pinuno ng kilusang komunista sa kanyang social media posts na naglalagay sa peligro sa buhay ng mga mambabatas pati sa pamilya nila.

“Kung tahasang sasabihin ng isang unelected factotum that we are terrorists here–and alam natin na may batas na ang terrorism–hindi po namin tatanggapin ‘yan,” sabi ni Zarate.

“We may differ in position on many issues, but all of us are here in this Congress because we are elected by our constituents. And this ‘unelected factotum’ should respect that,” dagdag ni Zarate.

Sinuspendi ang budget deliberations bunsod ng mosyon ni ACT Teachers party-list Rep. Castro na sinusugan ni Zarate at walang tumutol sa mga kongresistang dumalo sa pagdinig bilang pakikiisa sa pahayag ng dalawang progresibong mambabatas.

Itinakda sa 18 Setyembre 2020 ang susunod na pagdinig ng Kamara sa PCOO budget.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …