Wednesday , November 20 2024

Kauna-unahang trading post sa Pampanga, bubuksan na

UPANG mapaunlad ang industriya ng agrikultura sa panahon ng pandemya, bubuksan ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga ang kauna-unahang “trading post” na itatayo sa dating San Fernando Transport Terminal na may lawak na dalawang ektaryang lupain kaantabay ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbigay ng buong suporta.

Ayon kay Board Member Jun Canlas, prayoridad ang proyekto ni Governor Dennis “Delta” Pineda para masustenahan ang seguridad ng pagkain sa lalawigan – isang trading post o merkado na babagsakan ng mga produktong gulay ng mga magsasaka upang hindi na sila mahihirapang magbiyahe at magtinda ng kanilang mga ani.

Makikinabang dito ang mga poultry at hog raisers na apektado sa krisis dulot ng pandemya.

Ayon kay Konsehal Celestino Dizon ng lungsod ng San Fernando, ipauubaya muna nang libre sa umpisa ang pasilidad sa mga magsasaka at kapag maayos na ang takbo ng negosyo ay sisingilin sila nang mura at kayang halaga para sa pagmamantina ng pasilidad.

“We coordinate different efforts along different government agencies and also non-government organization. We will integrate different resources within Region 3 and outside Region 3 along with the provincial government, upang lalong mapadali ang pagbubukas ng ating Trading Post,” ito ang sinabi ni Captain Ronjay Villarosa, tagapagsalita ng AFP. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *