Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Gerald, ayaw pa ring umamin (kahit nakitang magkasama sa Zambales)

NAGSIMULA na ang taping ng dating magkarelasyon at love team na sina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa unang digital project nila na Love Unlock.

 

Sa unang araw ng taping nila, nang matapos na ito at pauwi na sila, ay nag-text si Joshua kay Julia. Sabi niya, “Nice to see you again.Thanks for the day.”

 

Nag-reply naman si Julia, na ang tanging textback ay, “thank you.”

 

Walang dating para sa amin ang reply ni Julia. Dapat ay medyo hinabaan niya pwedeng sabihin niyang, “nice to see you too, ingat ka, etc.”

 

Siguro,wala na talaga siyang nararamdaman para sa ex-boyfriend.

 

‘Yun kaya ay dahil talagang sila na ni Gerald Anderson? Na kahit hindi niya aminin, marami pa rin ang naniniwala na may something na talagang namumuo sa kanila ng ex nina Kim Chiu at Bea Alonzo?

 

May katibayan pa nga noong lumabas ang picture na magkasama sila ni Gerald sa private resort nito sa Zambales. Bagamat malayo ang pagkakakuha at nakatalikod ang babaeng naroon,  sinasabing si Julia talaga ‘yun. At si Gerald naman ‘yung lalaking kasama niya.

 

Well, kailan kaya aamin sina Gerald at Julia na talagang sila na?

 

Para sa amin, hindi na nila dapat itago pa ang relasyon nila. Ipagsigawan nila sa buong mundo na nagmamahalan sila. Huwag na lang nilang intindihin ang sasabihin ng ibang tao sakaling umamin na nga sila.

 

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …