Saturday , November 16 2024
dead prison

Ate ni Parojinog namatay sa piitan

BINAWIAN ng buhay ang nakatatandang kapatid na babae ni dating Ozamis City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog noong Linggo ng umaga, 6 Setyembre habang nakapiit sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Ozamiz, lalawigan ng Misamis Occidental.

 

Ayon kay Jail Officer (JO) 1 Christian Mendez, jail nurse, pumanaw si Melodina Parojinog-Malingin sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. (MHARS) Medical Center sa nabanggit na lungsod dakong 7:45 am, halos 12 oras matapos siyang dalhin sa pagamutan noong 5 Setyembre dahil sa paglalabas niya ng maitim na dumi.

 

Ani Mendez, nang suriin nila ang vital signs ni Malingin, nabatid nilang lubhang mababa na ang kaniyang blood pressure kaya agad nilang dinala sa pagamutan.

 

Ipinaalam ng jail guard na nakatalaga sa ospital na namatay si Malingin dakong 7:45 am noong Linggo habang nasa intensive care unit (ICU).

 

Dagdag ni Mendez, ang sanhi ng pagkamatay ni Malinginay ay cardiogenic shock secondary to “intractable cardiac arrythmia atrial fibrillation to ventricular tachycardia.”

 

Nabatid na bed-ridden na umano nang ilang linggo at hindi na makausap nang maayos.

 

Noong 17 Hunyo, sumailalim sa dilation and curettage (D&C) o raspa dahil sa hindi normal na pagdurugo, at inilabas sa pagamutan saka ibinalik sa piitan matapos ang walong araw.

 

Nakulong si Malingin sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act matapos salakayin ang kaniyang bahay at makompiskahan ng walong kilong shabu noong Disyembre 2017.

 

Matatandaan, noong 4 Setyembre, natagpuan ang nakababatang kapatid ni Malingin na si Ardot Parojinog na wala nang buhay sa kaniyang selda sa Ozamiz City Police Station, na ayon sa ulat ng pulisya, ay namatay dahil sa cardiac arrest.

 

Nakapiit si Parojinog sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center simula noong 2018, at iniuwi sa lungsod ng Ozamiz noong lamang Huwebes, 3 Setyembre, upang dumalo ng hearing kinabukasan.

 

Si Malingin at Ardot ay mga kapatid ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog, na napaslang kasama ng 15 iba pa nang nagsilbi ng warrant ang pulisya sa kanilang bahay noong Hulyo 2017.

 

Dito nadakip ang mga anak ni Aldong Parojinog na sina dating Vice Mayor Nova Parojinog at Reynaldo Parojinog, Jr., samantala, wala si Ardot sa kanilang bahay noong mga oras na iyon.

 

Noong 2017, naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng P5-milyong pabuya sa makahuhuli kay Ardot para sa umano’y kaugnayan niya sa ilegal na pangangalakal ng droga.

 

Noong Hulyo 2018, idineport si Ardot mula sa Taiwan at iniuwi dito sa Filipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *