BUWAN ng Hulyo ngayong taon, nang bumalik sa Sydney, Australia si Ylona Garcia para makasama ang kanyang pamilya. Habang nasa Sydney ang young singer/actress ginawa niyang makabuluhan ang oras ngayong pandemya sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho roon.
At sa kanyang IG post noong isang araw, proud na inilathala niya ang kanyang bagong trabaho, isa na siyang service crew sa McDonalds.
Well, kung ganyang may trabaho na sa bayang sinilangan niya si Ylona, baka hindi niya na maisipang bumalik pa ng ‘Pinas. Naisip niya siguro na bumalik na lang sa Sydney dahil wala naman kasing nangyari sa kanyang showbiz career.
At least, kasama niya na ang kanyang pamilya ngayon.
MA at PA
ni Rommel Placente