GINAHASA na pinatay pa ang isang 4-anyos batang babae sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Tinabunan ang katawan ng biktima ng mga dahon sa likod ng bahay nito nang matagpuan ng mga kinauukulan.
Suspek sa krimen ang 17-anyos kapitbahay na siya umanong nakitang huling kasama ng biktima.
Ayon sa ina ng biktima, naglalaro lang sa labas ng bahay ang bata nang bigla itong nawala.
Sa sobrang pag-aalala, humingi ng tulong ang ina sa barangay officials.
‘Di kalaunan, nakita ang bangkay ng bata na tinabunan ng mga dahon sa likod bahay.
Inamin ng suspek na ginahasa at pinukpok niya sa ulo ang biktima. (ROMMEL SALES)