SA Facebook Live ng dating OFW na si Sarah Balabagan ay humingi siya ng sorry sa asawa ni Arnold Clavio. Ito’y matapos niyang ibulgar na ang beteranong broadcaster ang ama ng kanyang panganay na anak na babae na si Ara.
Naka move-on na rin siya at napatawad na si Arnold. Pero noong ma-interview si Sarah ni Ben Tulfo sa show nito, nag-iba ang tono niya.
Nang hingan siya ni Ben ng mensahe para kay Arnold, ang sabi niya, ‘magpakalalaki na ito (Arnold Clavio). Desisyon daw ni Arnold kung aamin ito, huwag lang nitong itanggi na may anak sila at ibang usapan na raw ‘yun.’
MA at PA
ni Rommel Placente