Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie at Niko,  sinopla si Banat By

NANG magpaalam ang radio show nina Ogie Diaz at MJ Felife sa DZMM na OMJ ay ikinatuwa ito ni DDS Banat By.

 

Sabi niya sa kanyang Twitter account, “Ay mabuti nga nabawasan na ang fake news sa radio.”

 

Nang mabasa ni Ogie ang post na ito ni Banat By, sinagot niya ito.

 

Sabi ni Ogie, “Kung fake news kami, ano si Mocha, gospel truth? Kaloka ka mars.”

 

Si Mocha na binanggit ni Ogie ay si Mocha Uson. Alaga kasi ito ni Banat By, siya ang manager ng dalaga.

 

Bukod kina Ogie at MJ, binanatan din ni Banat By ang member ng grupong Hashtags na si Niko Natividad. Lugar na maawa rito, dahil na-scam ito ng P4-M nang sumali sa isang networking ay tinawag pa niya itong tanga.

 

Sabi niya, “Kaya may scammer ay dahil may tangang tulad ni Niko Natividad.

 

Gaya ni Ogiesinagot din ni Niko si Banat By. Sabi nito, “Walang scammer kung walang tangang katulad ko. Parang sinabi mo walang magnanakaw sa Philhealth kung walang naghuhulog dun buwan-buwan.”

 

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …