Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Bebot lasog sa hit and run

PATAY ang isang babae nang masagasaan ng taxi habang naglalakad sa kahabaan ng Osmeña Highway sa kanto ng Zobel Roxas St., northbound, San Andres Bukid, Maynila nitong Lunes ng umaga.

 

Inilarawan ang biktima na nasa edad 50 hanggang 60, may kulay ang buhok, nakasuot ng printed shorts, t-shirt na may stripe na kulay pula at puti at may kulay asul na panali ng buhok sa kaliwang braso.

Ayon sa nakakita sa insidente na si Samson Patricio, naglalakad ang hindi kilalang biktima patungong kanluran ngunit pagsapit sa nasabing lugar ay nabangga ng taxi cab na patungong timog.

 

Agad huminto ang taxi cab at bumaba ang driver saka nilapitan ang biktima ngunit agad din bumalik sa minamanehong taxi at mabilis na pinatakbo ang kanyang taxi saka iniwan ang biktima.

 

Patuloy na inaalam ng mga operatiba ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) ang pagkakakilanlan ng tumakas na taxi driver.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …