SA interview ni Ria Atayde sa Pep.ph, sinabi niya na halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman nang una niyang malaman na may offer sa kanya ang TV5 para maging isa sa host ng Chika, Besh (Basta Everyday Super Happy) na napapanood,10:00 a.m., Lunes hanggang Biyernes. Co-host niya rito sina Pokwang at Pauleen Luna.
Nakaramdam nga siya ng pag-aalinlangan noong una dahil ayaw niya ng pakiramdam na iniwan niya sa ere ang ABS-CBN na siyang nagbukas ng pintuan sa kanya para makapasok sa showbiz.
Ikinuwento ni Ria kung paano siyang nakatanggap ng offer mula sa nasabing estasyon.
“Two or three weeks before we started working, I got a text from my handler saying na I was requested by TV5 for a show with Mamang Pokwang and Pauleen. Sabi niya, ‘I need your decision soon. Are you okay? Sabi ko, ‘Wait, Tita, at least give me a day or a day and a half to meditate on it, figure it out,” simulang sabi niya.
Patuloy niya, “Kasi, parang given the circumstance, kaka-shut down lang din ng network. So, parang, ‘Wait a moment. This is, like, wait, wait.’”
Pinag-isipan muna ni Ria nang husto kung tatanggapin ang blocktimer show sa TV5. Kinausap muna niya ang kanyang mga magulang na sina Art Atayde at ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez, mga kaibigan at bosses sa ABS-CBN, kung ano sa tingin ng mga ito, kung tatanggapin ba niya ang offer?
“And when I saw that everybody was okay with it, they were supportive about it including the bosses of ABS-CBN, I was, like, ‘Then maybe it’s okay to do this. This is not betrayal of my network. It’s an opportunity amidst the pandemic. That’s not something you say no to. Blessings, ‘di ba?”
MA at PA
ni Rommel Placente