NAKATUTUWA naman si Alex Castro. Dahil pinaiiral ngayon ang GCQ sa buong Bulacan, kaya naman balik pamamasada na ang mga tricycle driver. Ang ginawa niya, bilang Bokal sa 4th district ng Bulacan, binigyan niya ng libreng face mask ang mga tricycle driver sa kanyang nasasakupang distrito.
At siya mismo ang personal na namimigay sa mga ito, huh!
Hindi niya iniutos sa kanyang mga tauhan. Binigyan niya ng face mask ang tricycle drivers para maprotektahan ang kanilang mga sarili sa corona virus since namamasada na nga uli ang mga ito at nakakahalubilo ang iba’t ibang mga tao.
Sabi nga ni Alex sa kanyang Facebook post, “Dahil GCQ na, madami na ang mga bumabyahe nating mga kababayang mga trycicle drivers. Kailangan ay maprotektahan sila sa lansangan.”
Isa si Alex sa endorser ng Beautederm na ang President/CEO ay si Ms. Rei Anicoche Tan.
MA at PA
ni Rommel Placente