Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tserman, tesorera nag-viral sa ‘pandemic’ doggie-style sex position (Zoom ng barangay meeting hindi nai-off)

ISANG eskandalo ang kinakaharap ngayon ng isang barangay chairman at ng kanyang kumareng barangay treasurer nang mag-viral ang kanilang Zoom ‘pandemic’ doggie-style sex position.

Ang dalawang barangay official ay kapwa mula sa Das­mariñas City, Cavite.

Kinilala si chairman na si alyas Bigote habang ang kanyang kaulayaw sa ‘doggie-style sex’ na kumare at tesorera ay tinawag sa alyas Celine Deon.

Sa ulat, nabatid na nitong 14 Agosto, nakatakang magkom­perensiya ang 75 barangay chairmen sa nasabing lungsod sa pamamagitan ng Zoom Video Communications, Inc.

Hindi binanggit kung tapos na ang kom­perensiya pero nagulat ang mga kapulong ni Chairman Bigote nang bigla nilang mapanood na tila ‘isinusubo’ siya ng tesorera.

Pero mukhang hindi nakontento si Chairman kaya pinatayo si alyas Celine Deon para tumu­wad ngunit napatingin sa camera kaya saglit na tumungo roon at tila ini-off.

Ngunit sa aktuwal na ‘doggie-style sex’ nina Chairman Bigote at tesorera Celine Deon muling nag-on ang Zoom at doon ay kitang-kitang ang ginagawa ng dala­wang barangay officials.

Nag-viral ang nasabing Zoom video na ngayon ay binansagang “pandemic ‘doggie-style sex’ ni chairman at ni treasurer.

Nauna rito, isang mag-asawa sa Rio de Janeiro ang nahuling nagse-sex sa council video conference.

Isa umano sa participants ng Zoom meeting ay nalimutang i-off ang camera kaya napanood ang sex ng mag-asawa.

Ang nasabing Zoom conference ay pinamu­munuan ng miyembro ng Socialism at Liberty Party na si Leonel Brizola, na ipinag­patuloy ang talakayan sa kabila ng sex scene na nakikita sa background ng Zoom.

Ang pagkakaiba ng dalawang insidente, sa Dasmariñas City sa Filipinas ay huli sa aktong naka-doggie-style ang hindi mag-asawang sina chairman at ang kanyang tesorera, habang husband and wife ang sa Rio de Janeiro.

Ang Zoom Video Communications, Inc., ay ilang beses nang naire­reklamo dahil sa privacy and security issues.

(AMOR VIRATA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …