Saturday , November 16 2024

Mega web of corruption: Mula sa P214-M, DepED project sa IBC-13 libre na?

ni Rose Novenario

NADAGDAG sa mga misteryo sa state-owned  Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13)  ang biglang paglalaho ng planong P214-milyong kontrata sa Department of Education (DepED) para maging “DepEd Official Channel” sa isinusulong na broadcast-based mode of learning.

Sa pulong kamakailan, sinabi umano ni Corazon Reboroso, Officer-In-Charge ng IBC-13, sa mga opisyal ng IBC Employees Union, na naunsyami ang P214-milyong proposal ng state-owned network sa DepEd.

Ayon umano kay Reboroso, libre lang ang pag-ere ng limang araw na dry run ng DepEd TV classes sa IBC-13 noong nakaraang linggo.

May mga nagdududa sa pahayag ni Reboroso lalo na’t unti-unting naisisiwalat ang mga milagro sa kaban ng IBC-13 sa nakalipas na mga taon na bahagi na ng management ang OIC ng state-owned network.

Nabatid sa source na may dalawang linggo na ang nakalilipas ay inutusan umano ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar si Reboroso na maglabas ng press release na nagsasaad ng paliwanag hinggil sa pagkaunsyami ng planong maging “DepEd official channel” ang IBC-13.

Sa hindi malamang dahilan, hindi tumalima si Reboroso sa direktiba ni Andanar sa kanya.

Wala rin umanong imik ang Technical Working Group (TWG) kung tuloy ang ikinasa nitong Marketing Plan ng proyekto, lalo na’t nakasaad dito na nais itong pagkakitaan ng IBC-13 sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel.

Nakasaad sa Marketing Plan ng proyekto:

Have a YouTube channel that can be viewed by K-12 students and can be a source of revenue; partnership with private companies thru their CSR (corporate social responsibility) programs; at, airing of commercials in-between subject breaks.

Sa kabila nito, walang nagiging tugon ang ahensiya sa mga tanong na una, sa mahal ng load na magagastos ng isang estudyante para mapanood ang isang online lecture sa lugar na mahina ang signal ng telco, Smart man o Globe, hindi ba dagdag parusa sa bulsa at aksaya sa oras ang sapilitang panoorin ang commercial o anunsyo na isiningit ng IBC-13 sa YouTube channel?

Pangalawa, may kukubra ba ng komisyon sa advertisement? Ilang porsiyento? May advertising agency ba na nais makinabang sa proyekto? May kausap ba ang telecommunication companies, gaya ng Globe at Smart, sa PCOO, IBC-13 at DepEd?

Kabilang sa TWG sina PTV general manager Katherine de Castro at PCOO Undersecretary George Apacible. (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *