INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal matapos ipatupad ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ).
Inihayag ito ng Pangulo kagabi sa kanyang public address sa Davao City.
Aniya, ipatutupad sa buong bansa ang modified GCQ maliban sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Iloilo City, Cebu City, Lapu Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Municipality of Minglanilla, Cebu, at Municipality of Consolacion, Cebu.
“Just, as I said, just be careful. Follow the safeguards,” sabi ng Pangulo. (ROSE NOVENARIO)