Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
San Jose del Monte City SJDM

 ‘APOR’ nalito at nagkagulo sa border pass ng CSJDM LGU

NAGKAGULO ang netizens ng San Jose del Monte sa Bulacan kahapon dahil sa inilabas na bagong direktiba ng pamahalaang lungsod patungkol sa bagong Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na gustong ipatupad bukod pa sa inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ayon sa SJDM Public Information Office kailangan mag-fill-up ng APOR form ang lahat para maisyuhan ng “border pass.”

Pero ayon sa mga kumuha ng form walang sinasabi kung ano ang gagawin pagkatapos sulatan ang form.

Ayon sa isang nagngangalang Ruben Tagalog: “Ang gulo. Kht ung mga ngbbigay ng APOR form d nila alam ggawin. Di nila maipaliwanag.”

“Sabe p nung isang nandon n nkauniporme. Di den dsw nila alam bkt sila binigyan ng APOR form.”

Ayon naman kay Lilibeth Baldo-Rogers, sana sinubukan muna bago nagpatupad ng bagong patakaran.

“Pagtapos mo i-fill-up ‘yung form wala manlang ‘yung sinasabi n’yong QR code scanning?”

Nagpahayag ng pagduda si Baldo- Rogers kung lehitimo ang sistema ng lungsod.

“Gaano ka-legit ‘to na papasok sa system n’yo?  And puwede po bang PDF file? Para ma-download ‘yung form… paano namen papa-print?” aniya.

Kinuwestiyon ng isang Prince Micheal Angelo, sa kanyang post sa grupong SJDM Public Information Office, ang pag-fill-up sa form kung hindi ba labag sa data privacy ang gustong mangyari ng pamahalaang lungsod.

“Tanong lang po mga ka-CSJDM 1. Hindi po ba against ‘to sa data privacy ng isang tao?”

Nagtanong din siya kung hindi pa sapat ang company ID at COE (certificate of employment) p(a)r(a) makalabas at makapasok sa SJDM at masabing ikaw ay APOR at kung saan ka nakatira?”

“Araw-araw po ba gagawin ito dahil  may date ng, pagpasok at paglabas ang APOR form?” tanon ni Prince Michael Angelo.

Wala rin umanong control number ang mga APOR form. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …