DAPAT ikatuwa kaysa ikalungkot ng publiko ang resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na 45.5 porsiyento o 27.3 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho noong nakalipas na buwan.
“Ako po ay nagagalak na hindi tayo 100 percent nawalan ng trabaho kasi sa tagal po na naka-lockdown tayo, talagang I’m still surprised at our resilience at 45 percent pa lang po ang nawawalan ng trabaho. It could have been worse, kasi nga po complete lockdown ang nangyayari sa atin,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Palace virtual press briefing kahapon.
Sa isang kalatas ay binatikos ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang paglobo ng bilang ng walang trabaho sa bansa dahil sa anila’y pagiging inutil at kawalan ng sense of urgency ng administrasyong Duterte sa pagtugon sa krisis sa ekonomiya at epekto nito sa mga manggagawa.
Isinusulong ng KMU ang pagbibigay ng P10,000 ayuda ng pamahalaan sa bawat nawalan ng hanapbuhay sanhi ng pandemya.
Nauna rito, inamin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na kakayanin ng bansa na palawigin ang lockdown dahil bagsak ang ekonomiy at hindi na kayang magbigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga mamamayan. (ROSE NOVENARIO)