NAIBENTA ang isang pares ng sneakers na isinuot ni Michael Jordan sa ilang mga laro sa National Basketball Association (NBA) sa record na US$615,000 o mahigit P29 milyon, sa subastang isinagawa sa Christie’s kamakailan.
Sa presyong ito, binasag ang dating rekord na naitala ilang buwan lang ang nakalipas para sa isa pang pares ng basketball shoes ng itinuturing na alamat ng basketball at NBA.
Ang naibentang sneakers ay pares ng Air Jordan 1 Highs na isinuot ng NBA megastar sa 1985 exhibition match sa Italy. Sa nasabing laro, nabasag ni Jordan ang salaaming backboard ng basketball ring nang i-dunk nang sobrang lakas ng NBA star ang bola para umiskor ng panalo para sa kanyang koponan.
“This is the original shoe with an actual piece of the backboard, a piece of glass, in the sole of the shoe,” wika ni said Caitlin Donovan, nanguna sa handbag and sneaker sales sa Christie’s — na nag-organisa ng subastahan ng Stadium Goods.
Bumuslo si Jordan ng 30 puntos habang suot niya ang size 13.5 sneakers, na nasa pula at itim na kulay ng kanyang Chicago Bulls team.
Habang binasag nito ang record sale na naipatala noong Mayo ng taong kasalukuyan nang bumenta ang isa pang pares ng sapatos na Air Jordan 1 sa halagang US$560,000 o mahigit P27 milyon, bumagsak ang bagong pagsusubasta sa estimated range na US$650,000 at US$850,000.
Nagbigay halaga ang record setting sales sa umaangat na market value ng mga bagay o kagamitan na nakaugnay sa mga retiradong basketball superstar siimula nang ilabas ang ESPN/Netflix documentary na The Last Dance, na nagsasalaysay ng alamat ni Jordan at ang kanyang koponang Chicago Bulls.
Kinilala rin dito ang halaga ng masasabing ‘lowly sneaker’ na ngayo’y may puwang sa puso ng mayayamang kolektor sa daigdig kasabay ng tradisyonal na collectibles tulad ng mga costume at sandatang ginamit sa sikat na seryeng Star Wars.
Kinalap ni Tracy Cabrera