Saturday , November 16 2024

Bike tinangkang nakawin kelot deretso sa presinto

KALABOSO ang 35-anyos lalaki nang maaktohang ginagamitan ng bolt cutter ang naka-padlock na bisikleta upang tangayin sa entrance gate ng Pasay Public Market sa Pasay City, nitong Sabado ng gabi.

Nakakulong sa Pasay Police Station ang suspek na si Rey Bandalan, residente sa 1418 Tramo St., Barangay 46, Pasay City sa reklamo ng biktimang si Jomari Bendicio, 26 anyos, sales promoter, residente sa 1385 B2 Gomez St., Paco, Maynila.

Base sa ulat ng Sub-station 3 ng Pasay Police Station, dakong 6:15 pm nitong Sabado, 15 Agosto, nang hulihin ang suspek sa entrance gate ng nasabing palengke.

Sa reklamo, ang biktima ay pauwi mula sa mahabang oras ng trabaho at binalikan ang ipinaradang mountain bike nang maaktohan ang suspek na kinakalas ang lock gamit ang bolt cutter kaya agad humingi ng assistance sa nakatalagang security guard.

Hinuli ni Eduardo Padilla, guwardiya, ang suspek saka sa isinuko sa nasabing presinto.

Babala ng pulisya, ngayong kabilang na ang bisikleta sa laganap na ginagamit bilang transportasyon lalo ng mga nagtatrabaho, siguraduhing sa ligtas na lugar ito ipaparada para hindi manakaw kahit naka-lock.

(JAJA GARCIA)

 

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *