Monday , December 23 2024

‘Oplan Rescue’ sa 2 covid-19 positive employees ng Palasyo kinondena

‘OPLAN PABAYA’ imbes ang ipinagmamalaking Oplan Kalinga program ng gobyerno kaugnay sa kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19) ang nararanasan ng dalawang empleyado ng Malacañang na nagpositibo sa virus.

 

Mahigit dalawang linggong inilagay sa tambakan ng Palasyo ang dalawang kawani mula sa Office of the President (OP) Engineering Office ng kanilang boss na si Edgardo Torres.

 

Nang pumutok sa media ang kalunos-lunos na sitwasyon ng dalawang OP employees na mahigit dalawang linggo nang nagtitiis sa pinaglagakan sa kanilang bodega cum tambakan ng mga construction materials at sirang gamit sa Palasyo ay nainis umano si Torres.

 

Sinabing pinulong ni Torres ang ilang tauhan para sabihin na pinaiimbestigahan niya kung sino ang nagligwak ng sitwasyon ng dalawang COVID-19 positive employees sa media.

 

“Mas nababahala pa siya sa epekto ng media expose kaysa kapakanan ng mga empleyado niya,” himutok ng isang taga-OP.

 

Nabatid na inilipat ang isang COVID-19 positive employee sa Rizal Stadium quarantine facility kahapon dakong 4:00 pm habang ang isa pa ay pinauwi ni Torres sa bahay kahit wala pang isinagawang panibagong swab test matapos ang 18 araw isolation sa ‘tambakan’ ng Malacañang para malaman kung positibo pa rin siya sa COVID-19.

 

“Parang asong pinauwi lang siya at kahit sinabi na  baka makahawa siya sa pamilya, taingang-kawali lang si Torres. Wala siyang puso,” anas ng isang OP employee.

 

Upang hindi makahawa sa pamilya, nangutang sa kanyang kapatid ang COVID-19 positive OP employee para ipambayad sa upa ng bahay na pansamantala niyang titirahan kaysa umuwi sa kanilang tahanan, dahil ni isang kusing ay wala siyang natanggap na ayudang pinansiyal mula sa kanilang opisina.

 

Nabatid na ang employment status ng dalawang kawani ay contract of service (COS) at hindi pa nila natatanggap ang kanilang suweldo para sa buwan ng Hulyo dahil sila’y nakakuwarantena sa tambakan ng Palasyo.

 

“Dapat bago magretiro si Torres ay mai-lifestyle check dahil may balita na may ‘rest house’ umano siya sa Baguio City at dito sa Metro Manila. Hindi biro ang halaga ng mga bahay sa Baguio City ‘di ba?” anang isang OP employee.

 

Nauna rito’y inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año noong nakalipas na buwan ang ‘urgency’ sa paglilipat ng COVID-19 positive sa Ligtas Centers o isolation centers sa ilalim ng Oplan Kalinga program.’’

 

Habang si National Action Plan (NAP) Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon ay ilang beses nang lumahok sa press briefing sa Palasyo kaugnay sa ipinatayo at ipinatatayong quarantine facility ng iba’t ibang malalaking korporasyon sa Filipinas pero ang mismong mga kawani ng Malacañang ay hindi nakikinabang dito. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *