Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel, natakot nang mag-taping ng Ang Sa Iyo Ay Akin

KAHIT may Covid-19 pandemic tayong nararanasan ngayon, tuloy pa rin ang taping ng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Sam Milby, Jodi Sta. Maria, at Maricel Soriano.

Aminado ang binansagang Diamond Star ng showbiz na si Maricel, na may kaunting takot siyang nararamdaman kapag pumupunta siya sa taping ng kanilang serye.

“Kaunting takot kung sa takot. Kasi siyempre, ayaw mong magkaroon ng ganoong virus, ‘di ba? Kaya lang, naiisip ko ‘yung ang saya ko, kapag nasa set kami.

“ Alam mo, ang kaibahan nga lang ngayon, wala na ‘yung masyadong chika. Tuloy-tuloy lang kami sa pagti-taping. Magri-reading, blocking, tapos take na agad.

“Siyempre, nakaka-miss ‘yung dati na may kaunting chikahan muna bago mag-take,” sabi ni Maricel sa virtual presscon ng Ang Sa Iyo Ay Akin.

First time ni Maricel na makatrabaho sina Iza, Jodi, at Sam. Puring-puri niya ang mga ito.

“Alam ninyo, lagi kong sinasabi ito, kapag may bago akong nakakatrabaho, kasi first time kong makatrabaho sina Sam, Jodi at saka si Iza ko.

 ”Lord, sana suwerte ako ulit. Eh, suwerte naman talaga ako kasi napakababait ng mga batang ito. At saka ibang klase sila sa kanilang propesyon. Napaka- punctual, napaka-professional, at napakagagaling. Doon ako bumilib talaga sa kanila. Ang gagaling ng dalawang babae at hindi nagpapatalo si Sam. Magaling din si Sam Milby.”

Hindi basta-basta gumagawa o tumatanggap ng serye si Maricel. Sinisiguro muna niya na maganda ang role niya, at maganda ang istorya, may relevance kumbaga, bago niya ito tanggapin.

Ano ba ang mayroon o nakita niya sa Ang Sa Iyo Ay Akin kaya niya tinanggap ito?

“Alam mo, ito ‘yung istoryang pwede mong sabihing busog na busog ka. Ang daming nangyayari. Hindi mabagal. Hindi naman mabilis (ang pacing). Hindi siya comedy, drama siya. ‘Yung role ko mabait, pero magbabago, dahil may ipinaglalaban. Hindi ka masama pero nagmumukha kang masama. Pero may rason.”

Ang Sa Iyo Ay Akin ay idinidirehe nina F.M. Reyes at Avel Sunpongco at produksiyon ng JRB Creative Production.  Abangan ang Ang Sa Iyo Ay Akin simula sa Agosto 17, pagkatapos ng FPJ’s Ang  Probinsyano sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live. Para sa updates, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …