Monday , December 23 2024

Mega web of corruption: Andanar apat na taon ‘paasa’ sa IBC-13 workers

ni ROSE NOVENARIO

MAHIGIT apat na taon mula nang italaga bilang kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Martin Andanar, wala pa rin natupad sa kanyang mga pangako sa mga obrero ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13).

Ito ang himutok ng mga kawani at retiradong empleyado ng state-run TV network.

Bago pa opisyal na manungkulan si Andanar ay lumiham na sa kanya si Jojo Yee, ang pangulo  ng IBC Employees Union, at Arthur Guda, pangulo ng IBC Supervisors/Directors Union, noong 9 Hunyo 2016 na humihiling na isapribado ang state-run TV network upang masagip sa nanghihingalong estado nito.

Naniniwala ang mga kawani ng IBC-13 na ang solusyon sa malalang problema ng state-run network ay privatization.

Anila, ang kawalan ng mamumuhunan at tunay na may-ari na may malasakit sa kompanya kaya nagpapatuloy na ‘duguan’ ang state-run network.

“We believe the privatization is the ultimate solution to the network’s vast problems. Without capital infusion and “real owners” to care for the company, IBC-13 will continue to bleed. Let your administration imprint the legacy of privatization of IBC-13,” anila sa liham kay Andanar.

Humiling ng pulong ang dalawang unyon kay Andanar at dumaan pa ang tatlong buwan bago sila pinagbigyan ng kalihim bago naganap ang paghaharap nila sa Shangri-la sa The Fort noong 21 Setyembre 2016.

Nasundan ito noong 9 Oktubre 2017 at dalawang zoom meetings nitong 27 Hunyo 2020 at 9 Hulyo 2020.

Walang kinahinatnan ang mga nasabing pulong, lalong lumaki ang utang ng management sa rank and file employees at retirees, hindi binayaran ang mga benepisyo nila, ang mga retirado ay mistulang pulubi na ginawang hulugang limos ang retirement benefits habang ang matataas na opisyal ng IBC-13 ay nagpapasasa sa malaking suweldo, representation and transportation allowances (RATA) at iba pang perks and privileges.

“Hindi namin maintindihan bakit tila naging manhid, bulag, at bingi si Secretary Andanar sa miserableng kalagayan namin. Masahol pa siya sa politikong nangako sa kampanya pero walang tinupad nang manalo na sa eleksiyon,” pahayag ng union leaders.

Ilang buwan nang nararanasan sa bansa ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa bansa pero hanggang ngayon ay wala pang katiyakan kung makatatanggap ng risk pay ang mga manggagawa pero ang management ay tuloy ang pagtatamasa ng malalaking sahod at benepisyo.

Ginamit pa anila ng ilang opisyal ng state-run network ang COVID-19 pandemic para mabigyan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) special ID  ang mag-amang negosyante at tatlong iba pa kahit hindi taga-media.

Isa ang sektor ng media sa exempted sa Luzon-wide enhanced community quarantine at kasama sa ipinagkalooban ng IATF -MEID special ID bilang authorized persons outside residence (APOR) noong Abril.

Inireklamo ng IBCEU sa International Press Center (IPC), sa 33 katao na na nabigyan ng IATF special ID, 28 lamang ang “bona fide company personnel” at ang lima ay mula sa pribadong kompanyang R-II Builders at hindi konektado sa state-owned TV network .

Tinukoy ng grupo ang limang katao, ang mag-amang  Reghis at Nathaniel Romero, Judy Savares, Lothlorjen Rosil, at Ruel Pelicano.

Si Reghis ang may-ari ng R-II Builders ngunit sa ipinadalang sulat ng IBC-13 sa IPC, inilagay na ang posisyon niya ay executive producer habang ang anak niyang si Nathaniel ay Chief Executive Officer ng Romero Group of Companies ay writer.

Habang ang mga tauhan ng R-II Builders na sina Savares at Pelicano ay producer at si Rosil ay executive producer.

“Adding insult to the IBC personnel who were told to report for work despite having no IATFID’s, the aforementioned people were given positions in IBC news as news writer, producers, and executive producers and associate producer just to fit in the requirement as media persons qualified for IATF ID,” anang grupo sa kanilang reklamo sa IPC.

Anila, ang liham ng IBC-13 sa IPC ay nilagdaan nina Pia Castro-Medenilla, news supervisor, at Nick Mendoza, news officer-in-charge.

“This act also put IATF and IPC in a bad light hence disciplinary actions including filing the appropriate charges must be done against the people responsible for this anomaly,” sabi ng grupo sa letter of complaint sa IPC.

Umaasa sila na magsisilbing eye opener ang kanilang reklamo upang mabusisi ang lahat ng aplikasyon para sa IATF ID at marepaso upang matiyak na ang pribilehiyo ay hindi magamit sa pansariling interes.

Hindi ibinalik ang IATF ID ng mga taga-R-II Builders hanggang mag-expire ito noong 30 Hunyo 2020 kahit ipinangako ni Corazon Reboroso sa IPC na kanilang ipasasauli.

Si Reboroso ang Human Resource Development Manager,at officer-in-charge ng IBC-13. (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *