Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Ang Paggawa ng Mali

Before I make a mistake, I don’t make that mistake.

— Dutch football player and coach Johan Cruyff

PASAKALYE:

NAGDIWANG ang aking inang si TERESITA PACHECO GRAHAM ng kanyang ika-91 taong kaarawan nitong Hulyo 29. Siguro ay bibihira na ang sinuman sa atin na makaabot sa ganitong edad dahil na rin sa ating kapabayaan sa pangangalaga ng ating kalusugan. Sa ganang akin, dahil may gulang na rin po ang inyong lingkod sa edad na 64 sa nalalapit na Disyembre, mainam na iniiwasan ko na po ngayon ang dati kong gawi sa pag-inom ng alak at pagpupuyat dahil sa iba’t ibang mga aktibidad panlipunan.

* * *

AYON sa American philosopher na si JOHN DEWEY, “nakapagtuturo ng leksiyon ang kabiguan at ang taong nag-iisip nang mabuti ay natututo hindi lamang sa kanyang mga tagumpay kundi gayon din sa kanyang mga pagkakamali.”

Subalit ang matuto sa mga pagkakamali, gaya ng sinasabi sa paalala ni Dewey, ay pumupunto sa pag-amin ng ating mga taliwas na gawain at makakuha ng aral mula rito. At dito inihahayag na maaari lamang matutuhan ang leksiyon mula sa mga mali sa pamamagitan ng pag-amin na ginawa natin ito.

Gayonman, sa sandaling sinimulan nating sisihin ang iba (o kaya ang buong mundo) ay sinisimulan din natin ilayo ang ating sarili sa alinmang posibilidad ng leksiyon na ating mapag-aaralan. Ang totoo’y kailangan nating magkaroon ng tapang para manindigan at matapat na sabihin “ito ay ating pagkakamali at dapat na maging responsable tayo rito.” Sa ganitong paraan, ang mga oportunidad para matuto ay makakamit natin sa kabila ng ating mga pagkakamali.

Ang pag-amin sa ating kamalian, kahit sa sarili lang natin, ay nagbibigay-daan para tayo matuto sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagsisi sa iba at sa halip ay unawain ang ating nagawa. Madaling nagagawang aminin ng matatalinong tao ang kanilang mga kamalian. Alam nila na ito ang daan para sila ay magbago at umunlad.

Ngunit taliwas ito sa ating paniniwala ukol sa kamalian at kabiguan —ang mga bagay na dapat nating ikahiya. Tinuruan tayo sa ating eskuwelahan, sa ating pamilya, o sa ating trabaho na makaramdam ng ating pagkakasala ukol sa ating mga kabiguan upang magawa natin ang lahat para makaiwas dito. Itong ang dahilan kung bakit marami sa atin ang sumusuko sa ating mga nais sa buhay — hindi tayo naging handa para sa mga pagkakamali at kabiguan na ating kakaharapin patungo sa ating mga ninanais. Ang kulang sa paniniwala ng maraming tao ukol sa tagumpay ay katotohanang mas maraming hirap ang masasalubong patungo sa mas matatayog na ambisyon. Sa paglaki ng ating mga mithiin ay lalo tayong dumedepende sa ating abilidad na malampasan o madaig ang ating mga pagkakamali para matutuhan ang mahahalagang aral mula rito.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

 

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *