Saturday , November 16 2024

Nobya ni Jang Lucero dinukot ng armadong kalalakihan sa Laguna  

HINIHINALANG dinukot ang nobya ni Jang Lucero, ang babaeng driver na natagpuang patay dahil sa maraming saksak sa katawan, nitong Miyerkoles, 29 Hulyo sa Bay, Laguna.

Sa panayam sa telepono, sinabi ng hepe ng Laguna Police Public Information Office na si P/Lt. Col. Citadel Gaoiran puwersahang dinukot ng 10 lalaki si Meyah Amatorio at pamangkin na kinilalang si Adrian Ramos dakong 12:20 pm sa kanilang compound sa Barangay Calo.

Agad isinumbong ng mga kamag-anak ng mga biktima sa pulisya ang insidente.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya kung may iba pang mga nakasaksi sa insidente at kung mayroong kuha ng CCTV na maaaring gamitin bilang ebidensiya.

Ani Gaoiran, sinisiyasat nila kung may kaugnayan ang insidente sa pamamaslang kay Lucero noong Hunyo.

Matatandaang natagpuang wala nang buhay at puno ng saksak sa katawan si Lucero sa loob ng kaniyang kotse sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna, ilang oras matapos niyang isakay ang mga pasaherong nagrenta sa kaniyang kotse upang magpahatid sa Gil Puyat Avenue, sa Makati City.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *