Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BMW ibinenta sa presidente (Paliwanag ng PECO hiningi)

DALAWANG transport group mula sa Iloilo City ang umapela sa Energy Regulatory Commission(ERC) na silipin at imbestigahan ang Capital Expenditure ng Panay Electric Company (PECO) matapos lumitaw na ang pondong inaprobahan para sa pagbili ng transportation equipment ay ibinili ng luxury car na BMW at nang mawalan ng prankisa ang kompanya ay ibinenta sa pangulo nito.

Ayon sa Western Visayas Transport Cooperative (WVTC) at Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA) sa kanilang pagberipika sa Land Transportation Office(LTO) ay lumilitaw na ang kinukuwestiyong BMW ay naibenta noong 22 Mayo 2019 kay PECO President Luis Miguel Cacho.

“They have to justify to the people, they have to prove that they have not wasted consumers’ money here or else they have to answer for it, because if true, it is a clear case of a deceitful transaction which involves the money of the electric consumers,” pahayag ni WVTC General Manager Halley Alcarde.

Gayondin ang posisyon ni ICLAJODA President Raymundo Parcon, aniya, kuwestiyonable ang naging “timing” ng pagbebenta ng mamahaling sasakyan dahil ginawa ito sa panahong wala nang legislative franchise ang kompanya.

“Why in the world that while PECO is embedded with legal issues regarding the continuity of its operations that it will time the sale of the company-owned luxury car to its own president. Just mind-boggling isn’t it? And one more thing, is PECO allowed by the ERC to own a luxury car?” giit ni Parcon.

Taong 2015 nang bumili ang PECO ng BMW 520d sedan mula sa Asian Carmaker Corporation na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Ang nasabing sasakyan ay binili gamit ang pera na inaprobahan ng ERC para sa pagbili ng transportation equipment sa ilalim ng Capital Expenditure (CAPEX) ng PECO para sa taong 2011 hanggang 2015.

Nabatid na para sa taong 2011 ay P2,133,851 ang alokasyon para sa transportation equipment ng PECO; noong 2012 ay P2,231,446; 2013 ay nasa P2,337,988; 2014 ay P2,447,289; at 2015 ay nasa  P2,560,476.

Layon ng inaprobahang pondo na bumili ng utility vehicles na magagamit sa operasyon nito ngunit lumitaw na imbes mga sasakyan na magagamit sa official function ng kompanya, kalahati ng pondo ay ipinambili ng luxuy car.

Dahil hindi papayagan ng ERC ang unnecessary expenditure, itinago umano ang ipinambili ng BMW sa ilalim ng pagbili ng distribution lines and hardwares.

Ang Capital Expenditure ng mga power firms ay isinusumite at pinaaprobahan sa ERC, layon ng hakbang na ito na matiyak na ang mga economically efficient capital expenditure lamang ang mapopondohan para masiguro na mapoprotektahan ang public interest.

“Any plan for expansion or improvement of distribution facilities shall be reviewed and approved by the Commission to ensure that all capital projects are optimized and that the contracting and procurement of the equipment, assets and services have been subjected to transparent and competitive bidding and purchasing processes to protect public interest. Applications of this nature shall be governed by the Guidelines to Govern the Submission, Evaluation and Approval of Electric Distribution Capital Projects,” saad sa guidelines ng ERC.

Inihayag ng WVTC na malinaw ang pagbili ng BMW ng PECO lalo sa personal na gamit ay hindi maikokonsidera bilang economically efficient bagkus ay maituturing na pag-abauso sa consumers’ money.

Tinangkang hingan ng komento ang PECO ukol sa alegasyon ngunit walang sumasagot sa kanilang hotlines.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …