Saturday , November 16 2024

4 Chinese fishermen, arestado sa Navotas

NASAKOTE ng Maritime Group ng Phillipine National Police (PNP) ang apat na mangingisdang Chinese nang mamataan silang bumababa sa isang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex.

 

Kinilala ni Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National CapitalRegion Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na sina Huang Yongjie, 42 anyos; DaiShiwen, 56 anyos; Yafeng Zhou, 47[ at Tan Riyang, 47 anyos, pawang residente sa Guangdong, China.

 

Ayon kay Col. Villanueva, dakong 7:45 am, nagsasagawa ng foot patrol at police visibility ang team ni Maj. Rommel Sobrido, at Capt. Randy Ludovice, sa  Pier 2 sa loob ng complex nang makita nila ang apat na dayuhan na bumaba sa kanilang vessel at nang wala silang maipakitang kaukulang papeles ng kanilang pagkakakilanlan at pakay sa bansa, sila ay inaresto.

 

Sinabi ni Villanueva, dinodoble nila ang kanilang monitoring capability sa gitna ng COVID-19 pandemic upang masuri ang bawat indibidwal, Filipino man o dayuhan, na pumapasok sa ating karagatan.

 

Inisyuhan ng Task Force Disiplina ng ordinance violation receipt ang apat dahil sa kabiguang magpakita ng quarantine pass bago sila ipinasa sa the Philippine Coast Guard.

 

Nang suriin sa Bureau of Immigration (BI), nabatid na ang apat na Tsino ay halos isang taon na sa kanilang sasakyang pandagat habang hinihintay na ma-renew ang kanilang seafarer’s passport.

 

 

Bago ito, dinakip ng RMU-NCR ang tatlong Pinoy na mangingisda sakay ng  ‘FBCA Maurene Clarisse’ nang mabulagang nangingisda sa restricted area  at gumagamit ng ‘active gear’ na ipinagbabawal sa ilalim ng batas.

 

Ang mga dinakip ay kinilalang sina Leonito Estrada Jr., 33; Danilo Bacsal, 47; at Jun de Guzman, 29, pawang mga residente sa Navotas, na kinasuhan ng paglabag sa Philippine Fisheries Code of 1998. (ROMMEL SALES)

 

 

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *