Thursday , December 26 2024

Realidad sa SONA iginiit ng ‘green think-tank’

NANAWAGAN kahapon ang Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), isang ‘sustainable think-tank’ sa Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang hindi pagkakapare-pareho niyang  State of the Nation Address (SONA)  ukol sa ‘environment’ at ang realidad upang maproteksiyonan ang kalikasan sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ito ay makaraang ideklara ng Pangulong Duterte na ang responsableng paggamit sa mga likas na yaman ay ay isa sa kanyang ‘non-negotiables.’

“Unless we are working on different definitions of the concepts of ‘responsible’ and ‘protection’ concerning the environment, there is a very big gap between what is happening on the ground, what his cabinet members are doing, and what President Duterte said in his SONA,” pahayag ni Avril De Torres, Research, Policy, at Law Program Head ng CEED.

Ayon kay De Torres, hindi nabanggit ng Pangulo ang muling direktiba niya kay  Department of Energy Secretary (DOE) Al Cusi na pabilisin ang pagpapalawak ng ‘renewable energy’ sa bansa, na hanggang sa ngayon ay hindi tinutugunan ng departamento at sa halip ay mas pinili ang  “technology neutral  approach.”

“The President seemed content with his motherhood statement, but environmentalists and renewable energy advocates would not be satisfied. They were looking for reassurance that Duterte is still on the side of the environment through a reaffirmation of his directive to Cusi in the previous SONA, as well as a declaration of support for coal divestment. There was no concrete discussion on that matter,” ani De Torres.

Aniya, tila tahimik umano ang administrasyon sa pagsusulong ng ‘extractives industry’ sa gitna ng  nararanasang ‘climate crisis.’

“We are in a health crisis that, as recent scientific researches show, emerged largely due to environmentally abusive practices. It makes no sense that the government is mum on key ecological issues, especially when these press on our people on a daily basis and, if left unaddressed, spell an even dimmer future for Filipinos,” dagdag ng Law Program Head ng CEED.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *