Sunday , November 24 2024

Department of Arts and Culture, itatag! — Alan Peter Cayetano

MAGKUKUMAHOG na naman ang Kamara ngayong tapos na ang State of the Nation (SONA) address ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na ngayong nasa gitna pa rin ang bansa sa peligro dulot ng COVID-19.

Samot-saring mga panukalang batas na panlaban sa COVID-19 at naglalayong makatulong sa taongbayan ang haharapin ng mga kongresista lalo’t wala pang natutuklasang bakuna laban sa virus.

At kung mayroon man, mauna kayang magpabakuna ang mga opisyal ng gobyernong lalong nagpapakupad sa laban ng bansa kontra virus na COVID-19?

Kaya naman minabuti ni Speaker Alan Cayetano kasama ang iba pang kongresista na maghain ng panukalang batas na magtatag ng Department of Arts and Culture. E kasi naman, libo-libo sa ating mga performing artists at creative industry ang bagsak ngayon ang kabuhayan dahil sa COVID-19.

Kanselado ang concerts, iba’t ibang palabas, maging ang comedy bars ay isa-isa nang nagsasara dahil sa COVID-19. Lugmok na lugmok ang industriya ng entertainment sa bansa at marami sa ating mga nasa performing arts ang pumasok sa ibang negosyo at pagkakakitaan para lang masustena ang kabuhayan at matustusan ang kanilang pamilya.

Gusto umano ni Cayetano na suportahan ng gobyerno ang training and development ng mga nasa performing and creative arts para magkaroon ng market hindi lamang sa Asia kundi sa buong mundo. Nasasayangan si Cayetano sa galing at pagiging talentado ng Pinoy artists kabilang ang mga artista, singer at iba pang nasa perfoming at creative arts industry.

Ani Cayetano, “So, sa akin, ang sining (the arts) whether it’s for advertising, whether it’s for movies, it’s for telenovelas, whether it’s for marketing ng mga projects, whether it’s OPM as an album or a jingle ng isang produkto (for a product), very creative tayo doon. I don’t think we should lose our advantage there, or whatever we lost, I think we should gain it back.”

Talaga namang hindi magpapatalo ang mga Pinoy pagdating sa sining at kultura. Diyan tayo magagaling. Kailangan lang ng tulong at suporta ng gobyerno para mapagtibay ang estado ng arts and culture sa ating bansa gaya ng ginagawa sa South Korea na nahuhumaling ang buong mundo sa K-Pop at K-Drama.

“‘Yung sa K-Pop at K-Drama, hindi aksidente ‘yun. Planado iyon ng private sector, gobyerno, ‘yung mga performing artists nag-aral talaga para mahasa,” ayon kay Cayetano.

        Kaya naman, asahan na natin na hindi lamang frontliners at ibang sektor ng bansa ang bibigyang pansin ng kamara sa paglaban sa COVID-19 kundi maging ang kapakanan at kabuhayan ng mga nasa performing and creative arts sa Filipinas.

        Laban lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *