NAUNA nang pumanaw ang isang lalaki bago pa man lumabas ang resultang positibo siya sa coronavirus disease of COVID-19 sa Bgy. Agustin, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng La Union.
Ayon sa Chairman ng Bgy. San Agustin na si Nicanor Ramos, nahawaan ng 74-anyos na lolo ang kaniyang mga menor-de-edad na apong may edad anim, 10, at 16.
Kabilang ang tatlong bata sa limang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa naturang lungsod noong Biyernes, 24 Hulyo.
Ayon kay Ramos, walang travel history ang matandang pasyente at nagpakita lamang ng sintomas noong masugat dahil nakaapak ng pako.
“Nagpatawag nalang ako sa city health office upang masiguro nila ang kondisyon ng matanda,” ani Ramos.
Nabatid na bago pa ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ), may mga nakausap ang pasyente na ilang taong nagnanais bumili ng kaniyang ari-arian at posible umanong nakuha ng matanda ang COVID-19 mula sa kanila.
Isinailalim ang lolo sa swab test ng city health office, at na-admit sa Ilocos Training Regional and Medical Center (ITRMC), ngunit binawian ng buhay noong 12 Hulyo.
Maliban sa pasyente, pumanaw din ang kaniyang kasamang isang67-anyos na lalaki na tumangging magpadala sa pagamutan kahit na nagpapakita ng sintomas ng naturangt sakit.