Saturday , November 16 2024

Mega web of corruption: P1-B tech rehab ng IBC-13, tagilid sa PCOO exec (Ika-anim na bahagi)

ni Rose Novenario

ISANG mataas na opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang nakatutok sa P1.5 bilyong proyekto ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) upang maging  official channel ng Department of Education (DepEd)  para sa TV-based learning sa ilalim ng mga bagong patakaran na ipinaiiral sa sitwasyong ‘new normal.’

Nabatid sa source na si PCOO Undersecretary George Apacible ay isa sa mga miyembro ng Technical Working Group (TWG)  para sa nasabing ambisyosong proyekto sa DepEd, bukod kay People’s Television Network Inc (PTNI) general manager at dating IBC-13 President and CEO Katherine de Castro.

Batay sa dokumento, nakasaad ang Estimated Capital Expenditure for IBC as Educational Broadcast Network (Analog and Digital TV Broadcast – 6 Channels) ay aabot hanggang P1,143,828,000 o P4,210,000 kada buwan sa loob ng tatlong buwan para sa technical upgrade ng state-run network.

Hinati sa tatlong yugto ang pagpapatupad ng modernisasyon at rehabilitasyong teknikal na gagawin sa IBC-13 at provincial stations nito.

Kasama sa paglalaanan ng pondo sa Phase 1 ng proyekto ang satellite transponder lease sa halagang P500,000 kada buwan at fiber IP connection lease line para sa video production sa halagang P200,000 bawat buwan.

Habang sa Phase 3 ay P3-M kada buwan para sa satellite transporter lease for 6 channels.

Ilang opisyal at empleyado ng PCOO ang tumaas ang kilay nang malaman na nakasawsaw si Apacible sa IBC13-DepEd project dahil dating sumabit ang kanyang pangalan sa dispalinghadong paggasta ng kagawaran sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) funds noong 2017.

Matatandaan na noong Hulyo 2018 ay inirekomenda ng Commission on Audit (COA) na sampahan ng kaso ang ilang opisyal ng PCOO, kasama sa itinampok ng report ang  kuwestiyonableng rental ng IT equipment na nagkakahalaga ng P4,039,140 kompara noong bago pa lamang ang kagawaran at aabot lamang sa P964,872 kita.

“Moreover, additional savings would have been secured, considering that no further acquisition by the agency of similar equipment is necessary, if same had already been procured,” sabi ng COA.

Isa sa kontratang nilagdaan ni Apacible bilang authorized representative/signatory of the head of procuring entity, ay sa isang IT supplier na si Gerry Reyes ng SIM Computer Sales Inc., na umabot sa P13.9-M ang rental/lease ng IT equipment para sa ASEAN 2017 Chairmanship.

Ginanap sa Filipinas ang ASEAN Summit noong 2017.

Nangangamba ang source na posibleng maulit ang nangyari sa ASEAN funds sa DepEd project lalo na’t walang kinatawan ang mga manggagawa ng IBC-13 sa technical working group sa ikinasang proyektong inaasahang ipatutupad mula Agosto 2020 hanggang Abril 2021.

“Hindi pa rin iniaanunsyo kung sino ang bubuo sa Bids and Awards Committee lalo na’t bilyones na pera ng bayan ang pinag-uusapan sa DepEd project,” dagdag ng source.

Kapag natapos aniya ang implementasyon ng DepED project sa IBC-13 sa Abril 2021 ay posibleng sa Hulyo 2022 pa lumabas ang COA report sa proyekto, tapos na ang administrasyong Duterte at wala na rin sa puwesto ang mga nagpatupad nito.

“Paano na ang pera ni Juan dela Cruz kapag sumalto ang proyekto?” nagmamalasakit na pahayag ng source. (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *