TULOY ang laban ni Coco Martin sa serye niyang FPJ’s Ang Probinsiano. Sabi nga, kung may nagsarang pintuan, tiyak na may magbubukas na bintana.
Sa sitwasyon ni Coco nang ipasara ang ABS-CBN, humanap ng agarang solusyon ang actor para maipagpatuloy ang Ang Probinsiano. Sa Youtube ito mapapanood ng mga tagahanga.
Nakalulungkot lang, Nokia cellphone lang po ang gamit namin at walang Youtube.
Natuklasan naming marami rin palang tagahanga ng actor ang walang cellphone o hindi ganoon ka-high tech.
Sinasabing naawa si Coco sa mga kasamahan sa Ang Probinsiano kaya’t itinuloy ito kesehodang sa Youtube mapapanood. Ang importante, muli itong mapapanood ng fans.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales