Saturday , November 16 2024

‘Laging Handa’ butata sa COVID-19

TALIWAS sa paulit-ulit na panawagan sa publiko ng programang Laging Handa sa People’s Television Network Inc. (PTNI) na sumunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), desmayado ang ilang empleyado ng state-run network sa tila pagpapabaya sa kanila kaya’t may 19 kawani ang nagpositibo sa nasabing sakit.

Batay sa source, noong 5 Hulyo, napaulat na nagpositibo sa COVID-19 ang isang reporter kaya ibinalik sa work from home ang ilang kawani na nauna nang inabisohang magsipasok sa tanggapan ng PTV sa Visayas Ave., Quezon City.

Noong 13 Hulyo ay may siyam umanong empleyado ang unang nagpositibo sa COVID-19 at pinapunta sila ng management sa Lung Center of the Philippines ngunit walang isina­gawang koordinasyon ang PTNI sa pagamutan kaya’t sa haba ng pilang dinatnan nila ay minabuti na lamang nilang umalis.

Hanggang umabot sa 16 hanggang 19 emple­yado mula sa iba’t ibang departamento ng PTNI ang nagpositibo sa rapid test .

“Ang problema, ‘yung mga nag-positive pero walang sintomas ay hindi pinapag-swab test dahil hindi raw required kung walang sintomas,” anang source.

Wala umanong naganap na disinfection sa tanggapan ng PTNI pero pinapapasok pa rin nila ang ibang empleyado.

“Isang linggo ang nagdaan, after ma-announce ‘yung nag-positive na reporter, marami pong pinag-stay-in doon. Isang lingo po ‘yun, walang disinfection. Dalawa po ang nagpositibo sa rapid test sa mga nag-stay-in at may dalawa pang naghahatid-sundo sa employees ,” dagdag ng source.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawang opisyal ng PTNI dahil sa mabagal na pag-aksiyon sa kinakaharap na sitwasyong pagka­lu­sugan ng mga empleyado at ang umano’y inaasikaso ay “relaunch” ng state-run network.

Isang opisyal umano ng state-run network ang nagsabi na hinahanapan ng paraan ng manage­ment para hindi ‘mapaso’ sa Commission on Audit (COA).

“Puwede naman siguro na magkaroon ng purchase o expenses dahil public health emergency ang situation ng buong bansa para naman idahilan pa ang COA sa makupad nilang aksiyon,” sabi ng source.

“Puro siya lip service at gasgas na linyang, ‘bukas ang aking linya para sa inyo’ pero kahit may emergency situation, mala- pagong ang aksiyon,” dagdag niya.

Maging ang board of directors ng PTNI ay wala pa umanong nailalabas na resolution kaugnay sa usapin.

Si Katherine de Castro ang general manager ng PTNI habang si Paco Evangelista ang itinalaga niyang overseer ng News Department.

Ang PTNI ay isang government owned and controlled corporation (GOCC) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Presidential Com­munications and Operations Office (PCOO).

Ang PCOO ang nasa likod ng infomercial kaugnay sa health protocols na dapat sundin ng mga mama­mayan sa panahon ng pandemya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *