Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN congress kamara

Dugo at tulong, kailangan ng empleadong inatake

HANGGA’T maaari ay ayaw na naming magbukas ng Facebook account  dahil sobrang depressing ang mga nababasa namin mula sa mga kaibigang nawalan  ng trabaho sa ABS-CBN.

Ang kaliwa’t kanang hinaing nila sa gobyerno na nagpasara ng ABS-CBN na pangalawang bahay nila at pinagkukunan nila ng pambuhay sa mga pamilya nila.

May mga nag-iiyakan at ang iba ay idinadaan sa social media ang hinagpis nila sa pangyayaring ito.

Ang pinakamasakit na parte ay ang isa sa empleado ng ABS-CBN na noong ipinarating sa kanyang isa siya sa magpapaalam na sa network ay inatake siya sa sobrang galit sa gobyerno.

Ayon sa nakuha naming kuwento, ”Sa galit n’ya sa gobyerno at sama ng loob kasi nawalan lahat para sa pamilya ng trabaho at isa sya roon.”

Kasalukuyang nasa ospital ngayon ang empleado at nangangailangan ng dugo at tulong bagay na hindi matanggap ng pamilya at mga kaibigan dahil napaka-energetic at maayos sa trabaho. Bumuhos naman ng maraming panalangin sa FB page ng nasabing empleado.

Agarang paggaling po sa Kapamilya mula sa Hataw publication.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …