Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lassy at Vice, matapos mag-away sa isang lalaki, super friends na ngayon

NAGSIMULA si Lassy Marquez bilang isang stand-up comedian bago  pumalaot sa daigdig ng showbiz. Sa comedy bar na Laffline at Punchline siya nagpe-perform. Malungkot siya ngayon dahil sa pagsasara ng mga ito, sanhi ng Covid-19.

 

“Sobrang nakalulungkot talaga. Kasi alam mo ‘yung bahay mo kung saan ka lumaki, ‘di ba nakalulungkot na iiwanan mo, kasi nandoon lahat ng memories? Kagaya niyong Punchline at Laffline ‘yan, eh. Doon ako nagsimula, roon ako nakilala, roon ako nagkaroon ng maraming blessings talaga.

 

“Napagtapos ko ‘yung kapatid ko, ngayon nasa America na, nakabili ako ng para sa pamilya ko. Naalalayan ko ‘yung mga magulang ko. Ang hirap talaga, kasi kung saan ka nagsimula, ‘yun ang bumuhay sa ‘yo, so, napakasakit na biglang nagsara.

 

“‘Yun din ang naging training ground namin na mga stand-up comedian. Doon kami nahulma. Roon kami natuto. Roon kami naging magaling. Dahil doon. nagkaroon ako ng movie at TV career, mga raket, etchetera, etchertera.

 

“So, ang laking kawalan talaga.”

 

Gaya ni Lassy, bago naging artista at sumikat si Vice Ganda, ay nagsimula rin ito bilang isang stand-up comedian sa Laffline at Punchline.  Dahil laging magkasama at nagkikita, kaya naging close sina Vice at Lassy.

 

Noong sumikat ang Unkabogable Star, isinasama niya si Lassy, pati na rin si MC Muah, sa mga pelikulang pinagbibidahan niya. Close rin kasi si Vice kay MC, na dating kasamahan din nila sa nabanggit na comedy bars.

 

“Nagsimula kami sa trabaho, tapos naging magkaibigan. Alam mo ‘yung naging close kami, kasi kami ‘yung laging magkakasama sa performances namin gabi-gabi sa Punchline, sa Laffline.

 

“Naging kampante na si Vice sa amin (ni MC).

 

“’Ay gamay ako ng dalawang ito! Alam ‘yung mga gagawin. Alam kung paano ‘yung skit. Alam kung paano ‘yung flow niyong show.’ So, nasanay siya sa amin,” kuwento ni Lassy kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Vice.

 

Ano ‘yung isang bagay na pinagtampuhan nila rati ni Vice bilang magkaibigan?

 

“’Yung naging tampuhan namin ni Vice, lalaki. Lalaki ko,” natatawang sagot ni Lassy.

 

Inagaw ni Vice ‘yung lalaki niya?

 

“Wala namang ganoon. Akala ninyo, may agawang nangyari noh! Ang nangyari kasi, hindi na ako nakikipagkita kay Vice noong mga panahon na ‘yun. Kasi, sobra akong na-inlove. At ‘yung lalaki, taga-Mindoro, na kahit bumabagyo, pinupuntahan ko. Eh, sasakay ka pa ng roro ,bumabagyo,” natatawang balik-tanaw ni Lassy.

 

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …