“UMAYOS kayo!”
Ito ang panawagan ni ACT-CIS Party-list Representative Nina Taduran sa Department of Health (DOH) sa harap ng magulo at nakaaalarmang datos kaugnay ng sitwasyon sa COVID-19 sa bansa.
Nanawagan din ang House assistant majority leader na maging tapat at eksakto ang datos na inihaharap ng DOH sa publiko.
“Last Sunday, DOH wasn’t able to release updated data on the COVID-19 cases. The following day, we were surprised with a big jump in the additional number of COVID positive cases which reached 2,124. And suddenly there was a change in reporting. Wala na ‘yung fresh and late cases, just additional positive cases. Did they suddenly realize that it’s a waste of time to separate the fresh and late cases or do the new numbers this week represent only the fresh cases?” ang tanong ni Taduran.
Kakatwa rin, ayon sa mambabatas, ang report kaugnay ng isang pasyente ng COVID-19 sa Cebu na idineklarang patay dahil sa sakit noong Mayo pero nakatanggap ng ulat ang pamilya mula sa City Health Office na gumaling sa sakit ngayong Hulyo, na ikinalito ng pamilya nito.
“In this age of advanced technology, I wonder why the DOH cannot keep up with the accurate and timely information. They have also stopped releasing details on the patients and the hospitals where they are confined in the NCOV tracker online. How can we recheck their data if they keep out the important details?” dagdag ni Taduran.
“Until now, DOH can’t get full results from all the operating laboratories. Kailan ba mareresolba ang problemang ito para makakuha na tayo ng tamang daily report ng additional COVID positive cases? We all depend on the numbers released by the DOH. Nakasalalay diyan ang pagdedesisyon ng pamahalaan kaugnay ng aksiyon sa COVID situation sa bansa,” ani Taduran.
Ang pinakahuling tala ng DOH ay mayroong 57,545 COVID positive sa bansa, 20,459 ang naka-recover habang 1,599 ang namatay. (GERRY BALDO)