AMINADO na ang isang male star na nagwala siya sa rati niyang management at film company dahil na-insecure siya sa mga bagong artistang ibini-build up ng mga iyon matapos na mag-flop ang kanyang huling pelikula. Pero ngayon nagsisisi na rin siya dahil sa kanyang ginawang desisyong magsarili dahil lalong nawalan siya ng chances.
Iyong inaasahan niyang kompanyang masasandalan niya, nagsara pa. At ngayon, ubos na rin ang pera niya dahil sa pinasok niyang negosyo na flop din naman.
Talagang nasa huli lagi ang pagsisisi, pero tuwang-tuwa naman daw sa nangyari ang isang gay politician na matagal nang inaabangan ang male star. Baka nga naman ngayon ay magtagumpay na siya sa kanyang matagal nang balak. (Ed de Leon)