If you want to be respected by others, the great thing is to respect yourself. Only by that, only by self-respect will you compel others to respect you.
— Russian novelist Fyodor Dostoyevsky
SA isang ruling ng Korte Suprema, kinatigan ng Mataas na Tribuna ang desisyon ng Civil Service (CSC) na sibakin ang isang cameraman mula sa presidential broadcasting team na Radio Television Malacañang (RTVM) makaraang mapatunayang nagkasala ng sexually harassment sa isang kasamahan noong 2012.
Sa ruling nitong 26 Pebrero, na isinapubliko kamakailan lang, itinaguyod ng Second Division ng Korte ang naunang desisyon ng CSC na nagdeklarang guilty ang cameraman na si Vergel Tabasa sa salang simple misconduct. Iniutos din ng komisyon ang pagtatanggal ng mga retirement benefit ng nahatulan at idiskalipika siya mula sa paninilibihan sa pamahalaan.
Nagsampa ng reklamo ang biktima ni Tabasa noong Hunyo 2013, para ihayag na noong Disyembre 2012, nakaupo siya sa sofa sa tanggapan ng engineering sa Malacañang habang nanonood ng noontime show nang lapitan siya ng cameraman at kilitiin ang kanyang tuhod, na ‘ikinagulat at ikinahiya’ ng dalaga.
Ayon sa Second Division ng Korte Suprema, “ang unsolicited physical contact, kahit isang biro, ay walang puwang sa workplace, lalo sa paninilbihan sa gobyerno.”
Idinagdag na “kahit na ginawa ito nang walang masamang hangarin, labag sa mga alituntunin ng pagiging disente at decorum para hipuin ng isang tao ang bahagi ng katawan ng isa pang tao na walang pahintulot. Ang paghipo sa tuhod (ng biktima) ay malinaw na ‘unsolicited’ at ‘uncalled for’ kaya walang karapatan si Tabasa na gawin ito…Lumilitaw na nagpakita si Tabasa ng hindi lang ‘moral depravity’ at kakulangan ng respeto sa kanyang kasamahang babae, kundi maging kawalan ng propesyonalismo sa pakikitungo sa kanyang mga kasama sa trabaho.”
Ang kasong ito ay nagpaalala sa akin ng isang insidente na ang isang dayuhan, pinatira sa tahanan ng isang babae dahil naubusan ng pera at walang matuluyan, ay ginahasa pa ang taong tumulong sa kanya sa kanyang mabigat na problema na siya rin naman ang may kasalanan. Sa halip na magpasalamat sa taong tumulong sa kanya, muntikan pang abusohin ng dayuhan ang babae habang natutulog, dahil sa paniniwalang ilang beses na rin naman niyang nakatalik at papayag ang biktima na ulitin iyon.
Subalit, gaya ng kaso ni Tabasa, walang puwang ang pag-aabuso, gaya ng sinabi ng Korte Suprema na kahit nagawa na ito dati, labis sa decency at decorum ng isang tao na gawin ito nang walang pahintulot.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL
ni Tracy Cabrera