SINUSURI ngayon ng mga skin doctor ang napakaraming mga daliri ng paa — alinman sa larawan sa email o video visit — habang lumalaganap ang pag-aalala na may ilang indibiduwal na may senyales ng Covid-19 ay lumitaw sa hindi inaasahang bahagi ng katawan.
Inakala ng makakikita ang Boston dermatologist na si Esther Freeman ng mga skin complaints habang patuloy ang pagkalat ng pandemya — iba’t ibang rashes ang nararanasan kapag nagkasakit ang mga tao mula sa ibang mga virus.
“But I was not anticipating those would be toes,” ani Freeman ng Massachusetts General Hospital, na sumuri ng mas maraming mga daliri ng paa gamit ang telemedicine sa nakalipas na ilang linggo na hindi pa niya ginawa sa buong career bilang doktor sa balat.
Tinatawag ang pambihirang senyales bilang ‘Covid toes,’ mapula, makirot at kung minsan makati ang pananaga sa mga paa na mukhang eksema o gasgas, na madalas namamalas ng mga doktor sa paa at kamay ng mga taong nagtagal sa matinding lamig sa labas ng kanilang tahanan.
“But don’t race to the emergency room if toes are the only worry,” payo ng American Academy of Dermatology.
Ang pangkaraniwang sintomas ng coronavirus ay lagnat, tuyong ubo at pagkakapos sa paghinga — at ang ilang indibiduwal ay nakahahawa kahit walang sintomas.
Ngunit habang patuloy ang paglaganap ng virus sa buong mundo, napapaulat ang mga kakaibang senyales ng sakit tulad ng kawalan ng pang-amoy, pagsusuka at diarrhea, bukod sa iba’t ibang problema sa balat.
(Kinalap ni Tracy Cabrera)