Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy ni Xian, napagkamalang Amalia Fuentes

NAG-POST ang mommy Mary Anne ni Xian Lim sa  kanyang Instagram account  ng picture niya,  na may hawak-hawak na maliit na  hinog na mangga. In fairness, ang ganda-ganda niya roon, huh!

Ang comments nga sa kanya ng iba niyang followers ay, so pretty. ‘Yung iba naman, sana ay mag-asawa na si Xian para mabigyan na siya ng apo.

O ‘di ba, kailan nga kaya magbabalak si Xian na pakasalan na si Kim Chiu para mabigyan niya na ng apo ang kanyang mommy?

Sa totoo lang, hindi lang naman sa picture maganda si mommy Mary Anne, maging sa personal din. Kumbaga, hindi lang siya photogenic.

Ilang beses na kasi namin siyang nakita ng personal, kapag iniimbita kami ng mga tagahaga nina Xian at Kim sa mga event nila, na naroon siya. Artistahin ang dating ni mommy Mary Anne. May hawig nga siya sa namayapang aktres na si Amalia Fuentes. Hindi lang kami ang nagsasabi nito, kundi pati ang mga nakakita sa kanya ng personal. Pwedeng-pwede siyang gumanap na mommy ng mga kabataang artista natin, na mestizo at mestiza looking.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …