Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cooking show, wish ni Xian

Nakita rin namin ang mga IG post ni Xian. Dahil lockdown, at nasa bahay lang siya, at madalas siyang nagwo-work-out. May sarili kasi siyang high tech gym. Kaya naman pala napapanatili niya ang magandang pangangatawan.

And since mahilig din siyang magluto, kaya madalas din siyang nasa kitchen nila para magluto. Gaya ng ibang artista natin, gusto niya ring magkaroon ng sariling cooking show.

Sa isa sa mga IG post niya, habang nagluluto, ang caption nga niya rito ay, ”This is me explaining the release of the entrapped molecules clumping together..naks. Can anyone help me with a name for a cooking show that best describes my years of experience in the kitchen? But seriously, leave it down below.! Would be happy to hear it.”

Isa pang pinagkakaabalahan ni Xian para hindi mainip, ay ang kumanta, habang nagpa-piano. Isa kasing musician ang aktor, kaya marunong at magaling itong mag-piano. Namana niya ito sa kanyang mommy Mary Anne, na dating concert pianist.

Samantala, bago lumipat sa pangangalaga ng Viva Artist Agency (VAA) si Xian, ay dati muna siyang contract star ng ABS-CBN Star Magic. Kaya nang ipasara ng NTC (National Telecommunications Commission) ang Kapamilya Network, ay isa siya sa nalungkot.

Sa pamamagitan ng kanyang IG post, ay ipinaabot ni Xian ang mensahe  sa mga empleado. Sabi niya, ”Sometimes there’s nothing you can do but to let it rain and wait for the sunshine to come out. Stay positive everyone. This too shall past.”

Sa mga gustong malaman ang mga aktibidades ni Xian, personal man o tungkol sa kanyang career, i-follow ninyo lang siya sa kanyang Instagram account na @xianlimm. Dito ay makikita ninyo rin ang mga cute baby picture niya. I-follow ninyo na rin ang mommy Mary Anne niya sa IG account din na @mommymaryanne. Puro positive thoughts ang mababasa ninyo rito.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …