Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bright Vachirawit at Win Metawin, instant hit sa BL series

GRABE ang BL o Boy’s Love series na usong-uso ngayon dahil halos lahat ito ang laman sa social media tulad nitong 2gether The Series ng Thai actors na sina Bright Vachirawit at Win Metawin na napanood na sa iWant ng libre noong Linggo, Hunyo 29, 10:00 p.m..

 

Simula noong Pebrero, naging instant hit na ang romance-comedy series sa social media at umani ng maraming Pinoy fans sa buong mundo para sa tandem nina Bright and Win dahil sa malakas nilang chemistry.

 

Nakipag-collab ang ABS-CBN at Thai content company na GMMTV para mapanood ito sa iWant ng mga Pinoy gabi-gabi na ginawang Tagalized. Ang Thai series na ito ay tungkol sa makukulit na college chick boy na si Tine (Win) sa masugid na baklang manliligaw nito si Green (Korawit Boonsri).

 

Para matigil ang pag-aligid ni Green, napilitan si Tine kasama ang kanyang mga kaibigan na humingi ng tulong mula sa sikat at misteryosong gitarista na si Sarawat (Bright) at pipilitin itong magkunwari bilang kasintahan. Tatanggihan ni Sarawat ang mga unang alok ni Tine, ngunit bibigay din ito sa plano nang sumali si Tine sa kanyang music club.

 

Samantala, dahil sa lakas ng tandem nina Bright at Win, gusto nilang dumalaw sa Pilipinas para personal na mapasalamatan ang Pinoy fans  na tumangkilik sa kanilang series kapag may go signal na sila bukod pa sa gusto rin nilang makarating ng Cebu at Boracay.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …