Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian at iba pang cast ng LTW, naka-lock-in; cast, binawasan

MEGA exercise si Xian Lim bago bumalik sa taping ng teleseryeng Love Thy Woman kahapon, Lunes.

 

Base sa mga larawang ipinost ni Xian sa kanyang Instagram account, “Last few pumps before going back to work mode tomorrow. Using my Horizon Torus 5 home gym by @johnsonfitnessph. It’s an All-in-one multi function equipment in the comfort of your home.”

 

Sa panahon ng Covid-19 pandemic, walang ginawa si Xian kundi mag-ehersisyo, magluto, tumugtog ng piano, gitara at nakita rin naming naglalaro ng basketball sa malaking bakuran ng bahay nila.

 

Kaya sa pagbabalik ng aktor sa tapings ng Love Thy Woman ay handang-handa na siya at healthy pa.

 

Anyway, base sa nalaman naming, naka-lock in ang buong major cast ng teleserye sa isang hotel na malapit sa ABS-CBN at doon na rin ang location.

 

Bawal ding tumanggap ng bisita ang mga artista sa kani-kanilang mga kuwarto.

 

Kuwento ng aming source, “Kung sakaling may outdoor, sa malalapit na lugar like restaurant or coffee shops na rin na malapit lang sa ABS-CBN para sa safety na rin ng buong cast, staff and crew.”

 

Hanggang Hulyo 21 naka-lock in ang lahat ng artista at kaya ganito katagal ay dahil kukunan na lahat ang eksena dahil tatapusin na ang LTW.

 

Walang binanggit kung kailan ang last airing ng Love Thy Woman pero kung ibabase ito sa one season na nagsimula noong Pebrero 2020 hanggang Abril at nahinto ng Mayo hanggang Hunyo kaya posibleng hanggang Setyembre na lang ang serye.

 

Nabalitang maraming nawalang cast sa LTW pero ang major cast ay tuloy naman ayon pa sa kausap namin.

 

“Basta lahat ng major cast kasama like sina Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Sunshine Cruz, Christopher de Leon, Eula Valdez, Ruffa Gutierrez, at Zsa Zsa Padilla.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …