Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OFW, seaman positibo pag-uwi sa Ilocos region (Negatibo sa COVID-19 sa Maynila)

NADAGDAG sa tala ng COVID-19 patients ang dalawa kataong umuwi sa rehiyon ng Ilocos galing sa lungsod ng Maynila, nang magpositibo ang isang overseas Filipino worker (OFW) mula sa lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan, at isang seafarer mula sa bayan ng Bacnotan, lalawigan ng La Union.

Nabatid, ang 32-anyos OFW na umuwi mula sa Riyadh, Saudi Arabia ay nanatili sa Century Park Hotel sa Maynila habang hinihintay ang resulta ng mga pagsusuri na nag­negatibo sa SARS Cov2, ang coronavirus na sanhi ng COVID-19, kaya pinahin­tulutan siyang bumiyahe patungong Pangasinan sakay ng isang bus na nirentahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Dinala siya sa isang quarantine facility sa lungsod ng Dagupan upang muling sumailalim sa pagsusuri kung saan inilabas ng Region 1 Medical Center na siya ay positibo sa virus.

Bagaman walang sintomas, isinailalim pa rin ang OFW sa quarantine sa naturang pagamutan.

Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, COVID-19 focal person ng lungsod, nakipag-ugnayan na ang pamahalaang panlungsod sa Department of Health (DOH) upang mahanap ang iba pang OFW na sakay ng parehong bus.

Samantala, sa bayan ng Bacnotan, sa lalawigan ng La Union, sinabi ni Mayor Angelito Fontanilla na nagtungong Metro Manila ang 43-anyos seafarer para sa kaniyang pre-deploy­ment medical examination noong 22 Hunyo.

Nang lumabas kina­bukasan ang resulta, nabatid na positibo siya sa coronavirus saka dinala sa Balaoan District Hospital upang ma-confine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …