Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P10-M halaga ng endorsements ni Lea, nag-atrasan?

TRULILI kaya na nag-atrasan ang worth P10-M endorsements ni Lea Salonga dahil sa pagmura raw niya sa bansang Pilipinas?

Matatandaang nag-viral sa social media ang FB status ni Lea na, “Dear Pilipinas, put*ng i*a, ang hirap mong mahalin!”

Kanya-kanyang intepretasyon na ang netizens sa sinabing ito ng sikat na singer at isa sa hurado ng The Voice bagay na nakarating sa atensiyon ng advertising agency.

Ito kaya ang dahilan kung bakit biglang nag-sorry sa publiko si Lea at nagpaliwanag na hindi naman ang ating bansa ang minura niya.

Ang post ni Lea sa kanyang Twitter account, “Regarding the post itself, yes I stand by every single word I wrote as an expression of my frustration with certain events currently taking place in our country. “However, contrary to what some of you might believe, I never, not ever, cursed the Philippines.

 “To serve her is one of my greatest honors. To be able to hold my head up high and say, ‘Yes, I am Filipino’ representing the hundreds of millions of brethren both here at home and all over the world is a source of pride and pleasure.

“So, to further clarify, I didn’t say p- i- mo, or p- i- ka. If that was what I meant, I would’ve been explicit in my expression. 

“My p- i- was aimed at no one in particular, and was used only as an outburst, a cry. My apologies if I hurt your feelings with my choice of words.

 “If after following this post you still decide to cuss me out, you’re well within your right to do so. I totally understand and get that you’re doing it as one tasked to protect our country from anyone that dares to desecrate it. Know though that that was not my intent.”

Tanda namin noong nakakatsika pa namin ang dalawang kaklaseng taga- advertising agency at may mataas na posisyon sa kompanyang may hawak ng mga kilalang produkto ay kumukuha sila ng endorser base sa word of mouth ng netizens, social media at sa mga madalas nilang mabasa sa mga pahayagan bukod pa sa background check din.

Naalala namin noon ang magka-loveteam na super sikat dahil fresh faces sa showbiz, sobrang daming fans at maganda naman ang pakitungo sa lahat at magagalang.

Kaliwa’t kanan ang product endorsements nila, pero biglang hindi na sila nai-renew dahil sa eskandalong hindi inaasahang nangyari.

At dito nabanggit ng kaibigan naming may mataas na posisyon sa kompanya na, “maaapektuhan ang products kapag itinuloy pa rin namin sila, kaya hindi na sila ini-renew.”

Going back to Lea, nagpasalamat naman siya sa fans na super tanggol sa kanya.

“To my fans and friends that have my back, you have no idea the amount of appreciation I hold in my heart for your tireless efforts to explain my side of things. Thank you so much. You will always have my gratitude,” saad ng singer.FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …