Saturday , November 16 2024
prison

18-anyos notoryus na kawatan swak sa kulungan

SA KULUNGAN bumagsak ang 18-anyos lalaki matapos magnakaw ng cellphone, telebisyon, digital TV box at tricycle sa Caloocan City.

 

Kinilala ang suspek na si Joniel Tomas, may kinakasama, istambay, residente sa Binata St., Barangay 144, ng nasabing lungsod.

 

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 2:20 am, nang  madiskubre ng biktimang si Gerald Minay, 33 anyos, residente sa Loreto St., Morning Breeze, Barangay 83 na nawawala ang kanyang 32 inches TV, digital TV box, cellularphone at charger bukod pa sa wasak ang backdoor ng kanilang bahay.

 

Kaagad dumulog sa tanggapan ng Barangay 83 ang biktima at nang rebisahin ang closed circuit television (CCTV) footage ay nakita ang suspek na tangay ang mga nawawalang gamit na ikinarga sa Mitsukoshi Daan Hari tricycle na may body number 38 na kinalaunan ay natuklasang ninakaw kay LeopoldoPrima, 67 anyos, tricycle driver, ng General Mascardo St., Barangay 143 ng nasabing lungsod.

Ayon sa isang tanod na sadyang itinago ang pangalan, naispatan niya si Tomas na may dalang telebisyon na isinakay sa isang tricycle at nang puntahan ng mga pulis ang bahay ng suspek kinahapunan ay tinangka nitong tumakas ngunit nadakma rin ng mga parak.

 

Nabawi lahat ng mga kinulimbat ng suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *