Monday , December 23 2024

DSWD kinastigo sa naantala at makupad na ayudang SAP

KINASTIGO ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Department of Social Welfare Development (DSWD) kaugnay ng naantala at makupad na pagbibigay ng ayuda sa mga benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP).

 

“Hindi alam ng Pangulo na ganyan ang gawain ninyo,” ani Cayetano sa mga taga-Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dumalo sa pagdinig sa Kamara.

 

Ikinalungkot ni Cayetano ang mahabang proseso sa pagbibigay ng SAP sa mga benepisaryo alinsunod sa Republic Act (RA) 11469, o ang Bayanihan to Heal as One Act.

 

“E ‘di sana hindi namin niratsada ‘yung batas,” pahayag ni Cayetano.

 

Alinsunod sa batas sa loob ng sampung araw, dapat mabigay ang SAP.

 

“In a national emergency, kapit sa patalim ang mga tao… hindi dapat masyadong bureaucratic,” ayon sa speaker.

 

Ang SAP ay dapat na ibigay sa 18 milyong low-income families.

 

Bawat pamilya ay tatangap ng P5,000 haangang P8,000 depende sa rehiyon nitong nakaraang buwan ng Abril at Mayo.

 

Ani Cayetano, ang unang ayuda ay lumabas, buwan na ng Mayo, sa panahon na sobra na ang pagtitiis ng mga mamamayan sa pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ).

 

Ayon sa Speaker, masyadong mabagal ang proseso ng DSWD.

 

“Tedious, inadequate, slow, and insensitive,” pahayag ni Cayetano.

 

“Before ng COVID-19 napakaganda ng coordination natin… ibinibigay namin ang budget ninyo. Tapos ganyan ang ipapakita ninyo sa amin? (We had very good coordination before COVID…we give the budget that you ask for. Now you show us this?),” pag-usig ni Cayetano.

 

Binatikos din ni Cayetano ang mga regional direktor ng DSWD.

 

“They were way above their heads to handle the distribution and in some cases, were too slow to coordinate or reply to his direct interventions,” aniya.

 

“Tama bang sistema ‘yun? Sa DSWD, ‘yung regional directors ang nasusunod. E ‘di sana pala, kayo na lang m(in)eeting namin,” ani Cayetano. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *